Usap-usapan ang paalala ng social media personality na si "Teacher Lyqa Maravilla" sa mga guro na hanggang ngayon ay isinasama pa rin sa content nila ang mga estudyante sa tuwing nagba-vlog o nagpo-post sa social media.

Ani Teacher Lyqa, ayaw niya sanang gawin ang paalala sa kaguruan subalit paulit-ulit na lang daw niyang nakikita sa social media ang ibang gurong pinasok na rin ang content creation, at isinasama sa kanilang video o photo ang mukha ng mga mag-aaral; ang iba raw, kinukunan pa ang sarili habang nagtuturo.

Ayon sa social media personality, labag sa panuntunan ng Department of Education o DepEd.

"Alam ba ng mga teachers na hindi ka dapat nagpopost ng mukha ng mga estudyante mo online lalo na kung menor de edad?" tanong ni Maravilla.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

"Hindi n'yo ba alam na kailangan may signed consent 'yan ng parents bago n'yo ipakita, and I mean a written consent form signed hindi by the kid, kasi minors cannot consent but their legal guardian or parents..." dagdag pa ni Maravilla.

Kahit daw mga bata pa raw ang may gusto at pumayag, hindi pa rin daw ito maituturing na tama. Kahit daw good vibes pa ito at makabubuti naman sa mga mag-aaral, hindi pa rin daw puwedeng i-post ang mukha at identity ng mga estudyante sa social media lalo na kung walang pahintulot ng mga magulang o legal guardian.

Hindi rin puwedeng ikatwiran ng guro na ang kinikita niya sa content creation ay ginagamit niyang pantulong sa mga mag-aaral dahil ito raw ay puwedeng "child exploitation."

Nalalabag daw rito ang "Data Privacy Act" ng mga bata, lalo na ang menor de edad.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Totoo po 'yan. Sana wala ng teacher na magpopost ng content while nasa classroom, with students, or even nka uniforms. Hindi naman bawal maging content creators or bloggers/ vloggers sila pero sana sa tamang lugar at lalong hindi naka uniforms as teacher. Wala namang pumilit sa kanila na maging teacher, pero sana manindigan na maging role model para sa mga kabataan at maging gabay sa kanila. At ganun din dapat sa part ng students, bawal din dapat kumuha ng videos sa classroom kung hindi nman importante or videohin ang teacher habang nagtuturo para patas..."

"I salute you Teacher Lyqa for raising this... tama naman eh. 'Yong iba walang habas na sa pagko-content."

"Thank you Ma'am Lyqa Maravilla... this is so informative and enlightening to a teacher like me."

"Dapat sana may guidelines kasi ang bawat school ay may facebook account.Doon pinopost ang mga activities sa school at syempre nakikita ang mga bata.Meron pa nga tiktok like feeding programs,hand washing activity etc.Kung hindi yan puwede dapat meron talagang guidelines."

"I agree. Lalo na kung ipopost ito sa personal na FB ng guro - hindi dapat. I learned this during my first year of teaching na may parent na nakiusap na huwag ipopost kahit name ng anak nya kasi may on-going case ang mga magulang tungkol sa custody ng bata. Simula noon, I make sure na huwag iddisclose ang personal information maski ang pictures ng mga bata online."

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ni Maravilla ang "aftermath" ng kaniyang video.

"When I posted that video last night, I knew may mga magagalit. May mga magsasabi na I shouldn’t talk about it."

"Bakit nga ba ako ang magsasalita?"

"Magulang dapat ang magreklamo."

"Magturo muna ako sa public school."

"OA ako at nakikisawsaw."

"Hindi naman ito malaking issue."

"Walang magagawa ang pag-post ko ng video."

"Wala naman itong magagawa?"

"Pero since last night, kita naman na hindi ako nag-iisa. Victims are speaking out. Parents are chiming in. Teachers are agreeing and sharing the video. At may ilan sa gumagawa nito na rin ang nagbura na ng content o nangakong titigil hanggang hindi pa nakakakuha ng consent."

"OA lang ako?"

"Hindi yata kayo familiar sa pdf files lurking sa Internet. Oh, and 2nd ang Philippines pagdating sa cases of OSAEC. (I-Google na lang ninyo.)"

"Now, bakit ako ang nagsasalita?"

"Bakit hindi?"

"Kasi, tapatan na tayo, like I said in the video, may ibang nagsasalita man ay hindi pinakikinggan, may iba rin na hindi makapagsalita kasi nakikisama o natatakot. I speak for them."

"I am not alone."

"Sa lahat who chose to stand with me for the children, maraming salamat."