Naglahad ng kaniyang personal na pananaw ang award-winning actor na si John Arcilla tungkol sa konsepto ng parent-children relationship.

Sa Facebook post ni Arcilla nitong Sabado, Abril 6, ipinaliwanag niya na hindi naman daw talaga utang na loob o obligasyon ang pagtulong ng isang anak sa tumatanda nitong magulang “normal” at “natural duty.”

“‘Utang na loob’ and ‘Obligasyon’ are wrong words pag ang usapan ay mga MAGULANG na ating PINANGGALINGAN…Hindi naman talaga utang na loob o obligasyon ang Pagkupkop o pagtulong sa mga tumatandang magulang- dahil ito ay NORMAL at NATURAL na DUTY ng MGA ANAK,” pahayag niya.

“Kasing NATURAL at NORMAL nung inaalagaan nila tayo nung maliit pa. Pinakain, dinamitan iginapang, at pinag aral. Tama naman na Responsibilidad yun ng mga magulang sa walang muwang na mga anak,” aniya. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya naman, responsibilidad daw ng bawat anak na alagaan ang mga magulang na matanda na at wala nang kakayahan pang magtrabaho. 

“Tayo bilang tao ay tagapag ALAGA at tagapag-taguyod ng mas mahina kaysa sa atin, maging hayop man ito o kapwa tao - e di lalo na pag magulang na natin ang mahina na at nangangailangan na ng tulong,” lahad ng aktor.

Gayunpaman, paglilinaw ni Arcilla, ibang level na raw ng kuwento kung naging masama ang isang magulang sa kaniyang mga anak.

“Do’n lang siguro magkakaroon ng iba’t ibang PAMANTAYAN kung RESPONSIBILIDAD pa din ba sila ng mga anak,” wika ng aktor.

Maraming netizen ang sumang-ayon sa naturang pananaw ni Arcilla. Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa post ng aktor:

“This is true! Alangan naman ipaalaga mo sa ibang tao eh magulang mo yun nag alaga at nagpalaki sayo! Be kind. ❤️❤️❤️”

“💯 Agree po 🙌🙏🤗 Ang hirap Na sasabihin hindi natin responsabilidad ang ating mga Magulang ,,💔😭 Ang sakit ng Salitang Voluntarily lang Silang tutulungan 💔😭💔😭”

“Tama po kuya John Arcilla pagmamahal pag aaruga hindi dapat isumbat kung anumang nagawa natin sa atin mga magulang masaya sila kung minsan naiiyak't natutuwa pa sila ng hindi nila pinakikita sa atin love lovelove❤️❤️❤️”

“Tama talaga lods☝️”