BAGUIO CITY – “ Ang exhibit na ito ay handog ko sa mga may autism, dahil sila ang inspirasyon ko sa aking pagpipinta at sa bawat pagtatanghal ko ay misyon ko na ang makatulong sa mga charitable institutions,” ito ang pahayag ni Myse Salonga, kilalang self-taught Filipino artist.

Sa titulong “Mayseterpice” pinasinayaan ni Salonga ang kanyang artworks exhibit sa The Manor,Camp John Hay, na dinaluhan ni Mayor Benjamin Magalong at mga kilalang negosyante, noong Abril 5.

Aniya, nagkausap sila ni Mon Cabrera ng The Manor para sa kaniyang exhibit, at hiniling nito na dapat ay may isang foundation o charitable institution na mabibigyan ng benepisyo mula rito.

“Nalaman ko na may foundation pala sila ng mga may autism sa Baguio, na kanilang patuloy na tinutulungan, kaya hindi na ako nagdalawang isip, dahil ito naman ang mission ko sa pagpipinta, ang makatulong sa kapuwa.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Masaya nga ako ngayon, dahil sa first exhibit ko dito at unang araw pa lang ay marami na ang bumili at nakita ko na mahilig pala ang mga taga-Baguio sa ganitong uri ng artworks, kaya gagawa muli ako para sa tatlong buwan na exhibit dito” pahayag pa ni Salonga.

Ayon kay Salonga, mahigit sampung taon na siyang gumuguhit mula sa kaniyang sariling imahinasyon, gamit ang acrylic painting. ”Mula sa aking pagkabata, mahilig na akong magpinta, sa ngayon hindi naman ito ang aking business, naging hobby ko lang ito at naisip ko itong mga exhibit para makatulong sa mga charitable institutions at sa mga individual na nangangailangan.”

Nagsimula ang kaniyang artistikong paglalakbay noong 2010, na nagmula sa isang simpleng libangan sa isang makulay na karera. Ipinagpapalit niya ang kaniyang mga likhang-sining sa lokal at internasyonal.

Sa nakalipas na dekada, nakagawa siya ng mga kaakit-akit na likhang sining at nagbenta ng higit sa 100 natatanging mga painting.

Pinaghahalo ang mga acrylic na may halo-halong media, gumagawa siya ng mga nakakaakit na likhang sining.

Ang kaniyang mga likha ay personal na nagbibigay-inspirasyon at nagtutulak sa kanya na magpatuloy sa paggalugad ng iba't ibang tema at estilo, mula sa modernong abstract hanggang sa mga landscape, seacapes, surrealism at figurative art. Ito ay nagpapahintulot sa kaniya na baguhin ang kaniyang mga mapanlikhang konsepto sa nasasalat na mga obra maestra.