Ibinahagi ni Kapuso actress Max Collins ang kaniyang personal na pananaw tungkol sa konsepto ng kasal.

Sa eksklusibong panayam ng GMA News nitong Huwebes, Abril 4, sinabi ni Max na hindi raw kasal ang basehan kung ano ang kahulugan ng pag-ibig.

"Ako, I don't believe in marriage. No, I'm sorry, I don't. I mean, I don't personally. I believe in marriage for everyone else. I think for me, I feel like that doesn't... hindi ‘yon basehan of what love means, to be married, no,” pahayag ni Max.

“You can still love each other and be together without being married. It's really a commitment. So even if you marry each other, that doesn't mean you'll be together forever," dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

'Nag-decide na kami:' Richard Poon, Maricar Reyes muntik na raw magkahiwalay

Sa kasalukuyan, bukas daw si Max sa pakikipag-date pero nag-iingat na raw siya dahil sa naranasan sa nakaraan niyang relasyon.

Sa naturang panayam, nabanggit din ng aktres ang divorce nila ng dating asawang si Pancho. Ayon sa kaniya, pinag-uusapan na raw nilang dalawa ang tungkol dito.

MAKI-BALITA: Divorce nina Max Collins, Pancho Magno pinag-uusapan na!

Gayunpaman, inamin ng aktres na okay naman daw sila ni Pancho sa kabila ng hindi magandang kinahantungan ng kanilang marriage.

Matatandaang nauna nang isiwalat ni Max ang tungkol sa hiwalayan nila ng dating asawa nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Mayo 2023.

MAKI-BALITA: Max Collins, Pancho Magno kumpirmadong hiwalay na: ‘Every separation is difficult…’