Isinabatas ni Marcos: Bagong Silang, Caloocan hinati-hati sa anim na barangay
Hinati-hati na sa anim na barangay ang Bagong Silang sa Caloocan City.
Ito ay nang isabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Abril 3 ang panukalang gawing anim na lugar ang Bagong Silang.
Sa ilalim ng pinirmahan ni Marcos na Republic Act 11993, ang Brgy. 176 (Bagong Silang) ay hinati-hati sa Brgy. 176-A, 176-B, 176-C, 176-D, 176-E, at 176-F.
Dahil dito, magdadaos na ang Commission on Elections (Comelec) ng plebisito sa Brgy. 176 sa loob ng 90 araw kapag nagkabisa na ang batas.
Iniutos din ng batas na magtalaga muna ng interim barangay officials, kabilang na ang kapitan, pitong Sangguniang Brgy. members, isang Sangguniang Kabataan chairman, at pitong Sangguniang Kabataan members sa bawat barangay.