Umakyat sa 3.7% ang inflation ng bansa nitong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Binanggit ni PSA National Statistician, Undersecretary Dennis Mapa, ang nasabing antas ng inflation ay mataas kumpara sa 3.4% nitong Pebrero.

Gayunman, mas mababa ito kumpara sa 7.6% na inflation o pagbilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa kaparehong buwan noong 2023.

Aniya, naitala ang average inflation na 3.3% mula Enero hanggang Marso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Katwiran ng PSA, mabilis ang pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages, karne ng baboy at bigas.

Malaki rin ang naging ambag sa inflation ang transport sector dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.