Itinanggi ni National Security Adviser Eduardo Año na nagkaroon ng "gentleman's agreement" sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw ni Año, dating chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panahon ni Duterte, walang nagpapatunay na pumasok ang Pilipinas at China sa naturang kasunduan. 

National

Abante, nakiusap kina PBBM, VP Sara na itigil na girian: ‘Mag-concentrate tayo sa bayan natin’

“The Chinese have always talked about the gentleman’s agreement pero they cannot show anything na mayroon talaga," ani Año nang kapanayamin ng mga mamamahayag sa Malacañang.

Ang naturang pahayag ay tugon ni Año sa sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque na may verbal agreement si Duterte sa China na nagsasabing hindi magpapatayo at magkukumpini ng mga pasilidad ng Pilipinas sa WPS.