Nanawagan na ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) sa mga motorista na magpalit na ng kanilang RFID (radio frequency identification) stickers na gawang China dahil isa ito sa sanhi ng matinding trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Holy Week.

Sinabi ni MPTC resident, chief executive officer Rogelio Singson, sinimulan na rin nilang magpalit ng RFID readers na pumalpak sa gitna ng pagdagsa ng mga sasakyan sa NLEX simula Miyerkules Santo (Marso 27) hanggang Biyernes Santo.

Paglilinaw ni Singson, libre ang ipapalit na U.S. brand na RFID stickers kaya't dapat nang samantalahin ito ng mga motorista.

Sa pagdinig sa Kamara, ipinaliwanag naman ni ACT CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na siya ring deputy majority leader, layunin ng  nasabing hakbang na maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nauna nang inamin ng MPTC na minadali nila ang implementasyon ng contactless payment sa mga toll, gamit ang RFID noong pandemya kaya gumamit sila ng gawang China.

Ang MPTC ay operator ng NLEX, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Manila Cavite Toll Expressway (CAVITEX) toll road facilities.