Muling ipinaalala ng National Bureau of Investigation (NBI) na may pabuya pa ring ₱2 milyon para sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gen. Gerald Bantag.

Ito ay nang mabigo ang NBI na mahuli si Bantag sa dalawang safehouse nito sa Caloocan at sa Sta. Rosa, Laguna nitong Biyernes.

Sa pahayag ng NBI, gumamit pa sila ng sledgehammer upang makapasok sa naturang bahay sa Laguna.

Siyam na bala ng baril ang natagpuan sa lugar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nangako ang NBI na patuloy pa rin nilang tinutugis si Bantag dahil sa kinakaharap na kasong murder (2 counts) kaugnay sa pamamaslang kay Percival Mabasa, alyas Percy Lapid sa Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022 at sa umano'y "middleman" na si Jun Villamor noong Oktubre 18, 2022.

Bukod kay Bantag, sinampahan din dati ng kahalintulad na kaso si BuCor deputy security officer Ricardo Zulueta. Gayunman, binawian ito ng buhay nitong Marso 15 dahil sa sakit sa puso.