Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito ipu-pullout ang mga sundalong nagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).

Partikular na binanggit ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. ang BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Sierra Madre sa Ayungin Shoal kung saan nakatalaga ang mga sundalo.

Ang nasabing pahayag ni Brawner ay isinapubliko nitong Biyernes matapos mag-courtesy call sa Camp Aguinaldo si United States Secretary of the Air Force Frank Kendall.

Kasama ni Kendall si US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tiniyak nina Brawner at Kendall na tuloy-tuloy ang military engagements at cooperatives activities, kabilang ang maritime cooperative activity, bilateral exercises, at EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) sites project, bilang mensahe sa buong mundo ng matatag na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos. 

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Brawner dahil sa patuloy na pagsuporta ng United States sa Pilipinas sa gitna ng tensyon sa WPS.