6.7-magnitude na lindol sa Mariana Islands, 'di magdudulot ng tsunami sa PH
Walang banta ng tsunami sa Pilipinas sa kabila ng pagtama ng 6.7-magnitude na lindol sa Mariana Islands nitong Biyernes ng gabi.
Ito ang pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes at sinabing walang dapat ipangamba ang publiko sa epekto ng pagyanig.
''No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only, and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,'' pagdidiin pa ng ahensya.