Nakakaloka ang rebelasyon ng aktor na si Patrick Garcia na ang unang babaeng nambasted sa kaniya noon ay si "It's Showtime" host Anne Curtis.

First time daw sinabi ni Patrick ang tungkol dito, nang makapanayam siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Wednesday episode, Abril 3. Kasama ni Patrick ang co-star na si Paolo Contis para sa promotion ng comeback project nilang tatlo nina Kaye Abad, na mapapanood na sa Netflix sa darating na Abril 12.

In fairness, maging ang King of Talk ay nagulat sa ibinunyag ni Patrick na si Anne nga ang unang bumasted sa kaniyang panliligaw noong mga bagets pa sila.

"Let's go to Anne (Curtis). Talaga? It's first time that you spoke about it, hindi ko narinig 'yan," untag ni Boy kay Patrick matapos ang "Fast Talk" kay Paolo Contis.

Tsika at Intriga

Anyare? Ngipin ni Andrea, natapyas

"Matagal na 'to. Mga 1999 pa 'to," sagot naman ni Patrick. "Ngayon ko lang sinabi 'to, sorry guys."

Sa ngayon ay may kani-kaniya na rin namang pamilya sina Anne at Patrick, at malay natin, mabigyan ng pagkakataong magkasama ang dalawa sa isang proyekto.