Patay sa lunod ang isang paslit matapos tumalon sa malalim na bahagi ng swimming pool ng isang pribadong resort sa Angono, Rizal nitong Miyerkules.

Naisugod pa sa Rizal Provincial Hospital System ang biktimang hindi na pinangalanan, 8-taong gulang, Grade 3 student, at residente ng Brgy. Mahabang Parang, sa Angono, ngunit dead on arrival na ito.

Lumilitaw sa ulat ng Angono Municipal Police Station na dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang private resort sa Sitio Labahan, Brgy. San Isidro, Angono.

Bago ang trahedya ay nagkayayaan umano ang pamilya at mga kaanak ng biktima na magtungo sa naturang lugar at mag-swimming.

Metro

Health Spa sa QC, pinasabugan ng hinihinalang granada; 2 motorsiklo, tupok!

Naisipan naman umano ng biktima na tumalon sa swimming pool ngunit lingid sa kanyang kaalaman nito ay malalim pala ang tubig doon.

Dahil dito, nalunod ang biktima na kaagad namang naiahon ng mga kaanak mula sa swimming pool.

Binigyan din siya ng first aid at mabilis na isinugod sa pagamutan ngunit nasawi rin kalaunan.