Natanong ni Boy Abunda sa guest stars niyang sina Paolo Contis at Patrick Garcia kung paano nila hinandle ang "gay issues" o mga intriga ng pagdududa sa kanilang sexual orientation, nang matanong sila sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Wednesday episode ng "Fast Talk with Boy Abunda."

Para kay Patrick, hindi na lang niya ito pinansin at pinalaki. Hindi rin naman lumaki eventually, dahil naisulat lang sa isang write-up noon ang tungkol dito.

Si Paolo naman, wala daw, at sana raw ay ito na lang ang natsismis tungkol sa kaniya.

"Ikaw ba, pinagdaanan mo 'yon Pao?" untag ni Boy.

Pagbabalik ni Sharon Cuneta sa kaniyang 'real heart'

"Wala nga eh, sana nga 'yon na lang ang natsismis sa 'kin eh!"

Matatandaang tinadtad ng intriga si Paolo dahil sa kaniyang mga naging relasyon, at ang pinakamatindi rito ay ang naging hiwalayan nila ng ex-partner na si LJ Reyes, at ang relasyon naman nila ng bagong girlfriend na si Yen Santos.

Samantala, sa parehong interview, naibuking naman ni Patrick na ang unang nambasted sa kaniya sa showbiz ay si Anne Curtis, na first time niyang naibunyag sa publiko.

MAKI-BALITA: Patrick Garcia binasted ni Anne Curtis noon