Usap-usapan pa rin ang naging homily ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa nagdaang Easter Sunday mass sa Landmark Chapel, Makati City, matapos niyang paalalahanan ang mga magulang na tungkol sa pagpili ng mga magiging ninong at ninang sa kanilang mga anak.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang tungkulin ng mga ninong at ninang ay hindi lamang tagapagbigay ng regalo tuwing kaarawan, Pasko, o iba pang okasyon sa mga anak kundi maging modelo o huwaran sa kanila.
"Unfortunately, some choose godparents who are corrupt, greedy,” ani Tagle.
“Remember that the role of ninong and ninang is not to give gifts. They are supposed to be models of Christian life,” paalala ng cardinal.
Ito raw ang isa sa mga inaasahang outcome ng pagpapabinyag. At sa binyag, hindi nawawala ang pagkakaroon ng mga ninong at ninang.
“Please, please respect the death of Christ,” giit pa niya. “Jesus died on the cross and God raised Him from the dead to bring us new life.”
"Transmit this gift of baptism to your grandchildren, to your children, to your friends. Let us not waste this Easter gift,” aniya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Amen, very well said!"
"Tama, kaya kung hindi magregalo, okay lang."
"Unfortunately, iyan ang nainstill noon pa man sa mga bata at sa iba pang mga nagsilakihan na. Na ang purpose ng mga ninong at ninang, nagreregalo sa Pasko."
"Sana maayos na 'yong ganitong mindset!"