Humanga si Manay Lolit Solis kay dating Senador Manny Villar nang pangalanan ito bilang pinakamayamang tao sa Pilipinas, ayon sa tala ng Forbes.

Si Villar, ay kasalukuyang chairperson ng property developer na Vista Land & Lifescapes, VistaREIT, AllHome Corporation, AllDay Marts Inc., Golden MV Holdings Inc., at ng ALLTV, ang bagong TV network na umookupa sa dating frequency ng ABS-CBN.

Stepdad ni Cristine Reyes, nag-agaw-buhay!

Maki-Balita: Manny Villar pinakamayaman sa buong Pilipinas, 190th sa buong mundo

Sa Instagram post ni Lolit nitong Huwebes, sinabi niyang iba raw talaga ang golden touch ni Villar pagdating sa negosyo. Kaya naman talagang marami raw ang humahanga rito.

“Talagang iba ang golden touch niya sa negosyo kaya naman talagang hangang hanga ang lahat sa kanya. Iyon economic skills niya ang talagang tatak Villar nuon pa man,” sey ni Lolit.

“Kaya naman ang mga anak na sila Mark at Camille Villar kahit pa nga nasa pulitika din aktibo parin pagdating sa business. Dahil hindi nga puwede iwanan ang mga naitayo na nilang negosyo na talaga naman habang tumatagal lalo pang lumalago,” dagdag pa niya.

“Hindi talaga matinag sa puwesto as one of the richest filipino dahil talagang sobra sa tagumpay lahat ng negosyo nito. Lalo na pagdating sa real estate talagang walang tatalo sa mga Villar.”

Samantala, pangalawang pinakamayaman sa buong Pilipinas si Enrique K. Razon Jr. na may net worth na $10 billion at nasa ika-224 sa buong mundo.

Maki-Balita: Manny Villar pinakamayaman sa buong Pilipinas, 190th sa buong mundo