Trending sa X ang pangalan nina "Kim Chiu, "Vice Ganda," at "Janella," "o si Kapamilya actress Janella Salvador matapos ang naging guesting nito sa noontime show na "It's Showtime" kasama si Win Metawin, dahil sa hindi nito pagpayag na magpasampol ng kanta matapos hiritan ng host na si Kim Chiu.
Nagtungo ang dalawa sa Showtime para sa promotion ng kanilang upcoming movie na "Under Parallel Skies" na premiere night na sa Abril 16.
Bukod dito, nag-promote din si Janella ng kaniyang upcoming concert na "Reimagined" na selebrasyon ng kaniyang 10th year anniversary sa showbiz.
Humirit ng sampol si Kim kay Janella na kantahin nito ang bagong awitin subalit maayos namang tumanggi si Janella dahil paos daw siya.
"She has a new song 'di ba?" sundot ni Karylle.
"Headtone, stream Headtone!" aya ni Janella sa madlang people.
"Medyo paos ako today, kayo na lang..." saad ni Janella.
Bilang pambawi, sinabi na lang ni Kim na "Pakinggan na lang namin sa Spotify."
Sundot naman ni Darren Espanto, sa susunod ay mag-production number na lang si Janella sa Showtime.
"Next time, promise!" pahabol na lang ni Janella.
https://twitter.com/jaxoncoxk/status/1775768047250485503
https://twitter.com/Cerelac181/status/1775742157514748086
Samantala, ginamit namang hirit ito ni Vice Ganda sa segment na "EXpecially For You" sa isang searchee.
"Sa susunod mag-prod ka rito sa Showtime, ayaw... medyo paos siya ngayon, kayo na lang," ani Vice Ganda.
https://twitter.com/kweykweyk/status/1775409011820818935
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Sana sinabi na lang niya 'Paos ako today pero para sa madlang pipol, sige gagawin ko..."
"Luhhh bakit? Mag-apologize yung hosts sa guest? Kahit tradisyon na sa Showtime na mag-sample ang mga guests? Janella even cut off Kim habang nagsasalita. Sino ba namang host ang matutuwa sa ganiyang guest. Inutusan pa ng guest ang mga host na 'kayo na lang.'"
"Kase lahat ng guests sa Showtime pinapa-sample. And Anne mentioned her song which Janella acknowledged. Pinopromote nga e. Kaso ayaw mag sample ng kanta nya 😆 Inutusan pa hosts na sila na lang 😁"
"Ito namang si Vice gumatong pa, sabay pokus ng camera kay Kimmy. Nahahalatang may something tuloy hahahaha."
"I have nothing wrong sa sinabi ni Janella, eh sa paos siya eh anong magagawa ng hosts? Saka baka wala naman sa usapan 'yon."
"Bakit kasi sumigaw ng sampol-sampol eh baka naman hindi prepared si Janella."
"Bakit ninyo binabarda si Vice Ganda, parang hindi pa kayo sanay sa mga hirit niya? Parang off nga 'yong sinabi ni Janella and we can't control kung na-hurt si Kim."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Janella, Kim, at Vice Ganda tungkol sa isyu.