"Dinogshow" ng ilang AlDub fans ang mga kumalat na litrato nina Kathryn Bernardo at Alden Richards kung saan makikitang sinorpresa ng Kapuso star ang Kapamilya star sa surprise birthday party para dito, sa pamamagitan ng kaniyang presensya at pagdadala ng bouquet of red roses at regalo.
Dahil dito, shini-ship ng mga netizen ang tambalang "KathDen," ang tambalang nabuo dahil sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na naging highest-grossing Filipino film of all time," bago ito nahigitan ng "Rewind" nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Kinakiligan ng mga netizen ang chemistry ng dalawa, at kung hindi raw uubra na maging sila sa tunay na buhay, sana raw ay magkaroon ng sequel ang nabanggit na pelikula.
Kasabay nito, ilang "AlDub fans" ang nagsabing magbabago ang tingin nila kay Kathryn kapag pinatulan si Alden, dahil sisirain daw nito ang "pamilya" nila ni Yaya Dub, ang karakter na ginampanan ni "Eat Bulaga" host Maine Mendoza, na nagpasikat sa kanila nang husto noong 2015 sa nabanggit na noontime show.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Magbabago talaga pagtingin ko kay Kathryn kapag pinatulan si Alden. May anak sila ni Maine!"
"Kathryn, magagalit sa 'yo ang AlDub nation, baka ipagtirik ka nila ng kandila at kumanta na naman sila haha."
"Naku Kathryn, maawa ka sa pamilya nina Alden at Yaya Dub! Huwag ka manira ng buhay ng iba."
"Hindi kami papayag na masira ang pamilya ng AlDub."
Samantala, inaddress na noon nina Alden at Maine sa ilang "delulu fans" na wala silang anak at kung anuman ang nabuo dahil sa AlDub, iyon ay sa Kalyeserye lamang.
MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap