Matapos ang dulot na kilig ng sorpresa ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo sa surprise birthday party para sa Asian Outstanding Star, maugong ang panawagan ng fans at supporters ng "KathDen" na sana raw ay magkaroon na ng part 2 ang istorya ng pag-iibigan nina "Joy Marie Fabregas" at "Ethan Del Rosario," mga karakter nila sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na kinilalang "highest-grossing Filipino movie of all time" bago masungkit ang titulo ng "Rewind" noong 2023.

MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap

MAKI-BALITA: ‘Delulu’ AlDub fans, pumalag sa sweetness ng KathDen: ‘May anak sila ni Yaya Dub!’

Dahil dito, lumutang ang tsikang dapat daw ay noon pang may nilulutong part 2 dahil nga sa tagumpay nito sa takilya. Kaya lang, hinarang at pinigilan umano ito ng noo'y jowa pa ni Kathryn na si Daniel Padilla, dahil daw sa "selos."

Tsika at Intriga

Partner ni Hajji di makapunta sa burol, dumiretso na lang sa 'Walk of Fame'

At ngayong hiwalay na raw ang dalawa, mukhang balak daw na i-push na ng Star Cinema ang panawagan ng mga tao na gawin na ang part 2.

Batay sa mga kumakalat na tsika, mukhang isasali raw sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang part 2, directed by Direk Cathy Garcia-Sampana.

Pero habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon ang Star Cinema tungkol sa nilulutong part 2 na ito ng HLG.