"Dalaga ka na talaga, Ryzza Mae!"
Pinusuan ng mga netizen ang latest photos ni "Eat Bulaga" host Ryzza Mae Dizon dahil na-realize daw nilang dalaga na pala si "Aling Maliit" at talagang ang ganda raw ng glow-up nito.
Umawra kasi si Ryzza Mae habang tanaw sa kaniyang background ang kabundukang makikita sa beach sa San Antonio, Zambales kung saan sila nagbakasyon.
Ibinida rin ni Ryzza Mae na road to 1M followers na ang kaniyang Instagram account, kaya hinimok niya ang netizens na i-follow na siya.
Samantala, bagama't aktibo sa hosting sa EB, hindi pa rin maiwasan ng mga netizen na mamangha dahil dalagang-dalaga na raw si Ryzza Mae at talagang lumalabas pang lalo ang ganda nito habang nagkaka-edad.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Ang bilis ng panahon... Dalaga pa Ako nung pinapanood ko sya ...Ngayon Dalaga na sya ako naman dalang dala sa Buhay Ko."
"Wow pretty"
"So beautiful lady!"
"Grabe ang ganda na lalo ni Ryzza Mae. From a very cute and adorable child star, ngayon ay very pretty and fine lady."
Nagpasalamat naman si Ryzza Mae sa lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.
"Thank you so much po sa inyong lahat sa support and Love nyo!! God bless you all po" aniya.
Nanalo sa segment na "Little Miss Philippines" si Ryzza Mae noong 2012, at simula noon ay hindi na nawala sa limelight. Naging bahagi kaagad siya sa 2012 Metro Manila Film Festival entry film na "Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako" na pagsasanib-puwersa nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto.
Makalipas ang isang taon ay nagkaroon ng sariling talk show si Ryzza sa GMA Network, na "The Ryzza Mae Show." Sa kaparehong taon ay nakatambal naman niya si Bimby Aquino Yap, anak ni Queen of All Media Kris Aquino, para sa pelikulang "My Little Bossings" kasama si Vic.
Taong 2015 nang bumida si Ryzza sa comedy-drama series na "Princess in the Palace" kasama sina Ice Seguerra at Eula Valdez na produced by TAPE, Inc.
Sa paglundag ng TVJ sa TV5 dahil sa isyu sa TAPE, kasama nila rito si Ryzza Mae at iba pang original Dabarkads.