Wala pang naiulat na Pinoy na nadamay sa 7.2 magnitude na lindol sa Taipei, Taiwan nitong Miyerkules ng umaga na ikinasawi ng apat katao, ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) head Silvestre Bello III.

"Based on our monitoring in Taipei and the reports from our field offices in Taichung and Kaohsiung, and the reports coming from our Filipino communities in Taiwan, there are no Filipino casualties or injuries in the aftermath of the earthquake and the aftershocks," pahayag ni Bello sa isang television interview.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi naman ng Department of Migrant Workers (DMW) na tinututukan na nila ang sitwasyon ng mahigit sa 150,000 Pinoy na nagtatrabaho sa lugar kasunod ng insidente.

Naghahanda na rin ang mga Migrant Workers Office sa Taiwan upang mamahagi ng tulong sa mga apektadong overseas Filipino worker (OFW).

Binanggit din ni Bello na natakot ang mga Pinoy sa Taiwan dahil umiindayog ang mga tinutuluyang gusali.

Sa pahayag ng United States (US) Geological Survey, dakong 7:58 ng umaga nang tumama ang pagyanig walong kilometro o 11 milya timog ng Hualien City na lumikha ng lalim na 34.8 kilometro at nagdulot din ng pagkatumba ng ilang gusali.