Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Surigao del Sur nitong Miyerkules ng tanghali, Abril 3.

Nangyari ang natural lindol bandang 12:51 ng tanghali.

PHIVOLCS-DOST

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), namataan ang epicenter ng lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur na may lalim na 1 kilometro. Plate tectonic naman ang pinagmulan ng lindol.

Nakaranas naman ng Intensity IV ang Bislig, Surigao del Sure.

Ayon pa sa Phivolcs, asahan ang aftershocks.

Bukod dito, binanggit din ng ahensya na ang naturang pagyanig ay aftershock ng lindol noong Disyembre 2, 2023.

Matatandaang umabot sa magnitude 6.9 na lindol ang tumama sa Surigao noong Disyembre 2.

Maki-Balita: Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol