Nangunguna si Senador Raffy Tulfo na gusto umano ng mga tao na maging pangulo sa 2028, ayon sa survey na isinagawa ng Pulse Asia Research.
Sa isinagawang 2028 Presidential and Vice-Presidential preference survey ng Pulse Asia nitong Marso 6 hanggang Marso 10, si Tulfo ang nangungunang iboboto ng mga tao sakaling tumakbo itong pangulo sa 2028 national elections. Nakakuha ang senador ng 35%.
Sinundan naman siya ni Vice President Sara Duterte na mas mababa lang ng isang porsiyento na 34. Sumunod naman ni dating Vice President Leni Robredo na 11%.
Kasama rin sa listahan sina Senador Imee Marcos (5%), dating Senador Manny Pacquiao (3%), Senador Robin Padilla (2%), Senador Risa Hontiveros (1%), at House Speaker Martin Romualdez (0.5%).
Nabanggit din umano sa survey sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.