Nasa balag na naman ng alanganin si Magnolia veteran Calvin Abueva nang suspindihin at pagmultahin ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos mag-dirty finger sa isang fan ng Ginebra na nakalaban nila sa Araneta Coliseum nitong Marso 31 ng gabi.

Pinatawan ng one game suspension si Abueva, bukod pa ang multang ₱20,000 matapos ipatawag ni Commissioner Willie Marcial sa PBA office nitong Miyerkules hinggil sa usapin.

Nag-ugat ang usapin nang magbanggan sila ni Ginebra guard Nards Pinto, 1:51 na lang ang nalalabi sa first quarter.

Dahil sa nasabing banggaan, napaluhod si Abueva hanggang sa makitang nakikipagtalo sa isang fan na nakaupo sa courtside VIP seats kung saan ito nag-dirty finger.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Lingid sa kaalaman ni Abueva, nakita ito sa national television.

Depensa naman ni Abueva, ininsulto siya ng fan at ginantihan niya lamang ito.

Sa naturang laban, tinalo ng Gin Kings ang Magnolia, 87-77.