Si dating senate president Manny Villar ang pinakamayaman ngayon sa buong Pilipinas, at ika-190 naman sa rank bilang "richest billionaire in the world" ng 2024, nag-iisang Pilipinong nakapasok sa listahan ng top 200, ayon sa tala ng Forbes.

Maka-42 ulit ang iniakyat pataas ni Villar bilang isa sa mga pinakamayamang bilyonaryo sa buong daigdig, mula sa puwesto nitong ika-232 noong 2023. Pumalo sa $11 billion o ₱619.2 billion ang kaniyang net worth, matapos itong madagdagan ng $2.4 billion (₱135.1 billion) mula sa naitalang $8.6 billion net worth niya noong 2023.

Si Villar, ay kasalukuyang chairperson ng property developer na Vista Land & Lifescapes, VistaREIT, AllHome Corporation, AllDay Marts Inc., Golden MV Holdings Inc., at ng ALLTV, ang bagong TV network na umookupa sa dating frequency ng ABS-CBN.

Pangalawang pinakamayaman sa buong Pilipinas si Enrique K. Razon Jr. na may net worth na $10 billion at nasa ika-224 sa buong mundo.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sumunod dito sina Ramon S. Ang ($3.5 billion) na pang 920th sa buong mundo, Hans Sy ($2.6 billion) na pang 1,286th with, mga kapatid na sina Henry Sy, Jr. at Herbert Sy kasama si Lucio Tan ($2.5 billion) at pang-1,330th, Harley Sy $2.4 billion) at pang-1,380th, Teresita Sy-Coson ($2.3 billion) at pang 1,438th, Elizabeth Sy ($2.1 billion) at pang 1,545th, Andrew Tan ($2 billion) at pang-1,623rd, Tony Tan Caktiong ($1.4 billion) at pang-2,152nd, at Lance Gokongwei ($1.1 billion) na pang-2545th.

Bagong pasok naman sa Forbes’ 38th Billionaires list ang mag-asawang Lucio Co ($1.2 billion) at pang-2,410th at misis na si Susan Co ($1.1 billion) at pang-2,545th, na siyang nagmamay-ari ng Cosco Capital, Puregold Price Club, The Keepers Holdings, at Philippine Bank of Communications.

Samantala, ang pinakamayamang bilyonaryo sa buong mundo ay si Bernard Arnault, ang may-ari ng high end brands na Louis Vuitton, Tiffany & Co. at Sephora, na may net worth na $233 billion. Sumusunod sa kaniya sina Elon Musk ($195 billion) ng X (atbp), at si Jeff Bezos ng ($194 billion).