Parehong nagpasalamat si Leon Barretto sa birthday greetings sa kaniya ng mga magulang na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla para sa kaniyang ika-21 kaarawan.

Sa Instagram posts nina Marjorie at Dennis, makikita ang pagpapasalamat ni Leon para sa dalawa, lalo na sa huli.

"Happy 21st birthday to my only son Leon!! I can’t imagine a life without you, Kuya. You are everyone’s go to person. Our gentle giant, the best son, brother and friend! Thank you for all the hard work you put into school, Kuya. I appreciate how you make everything easier for me. I love you so much. My greatest wish and prayer for you, a bright future, good health and that you will be surrounded with all the right people around you. Cheers to 21!" ani Marjorie sa una niyang post, kalakip ang mga larawan nila ng kaisa-isang anak na lalaki.

Carlos Yulo, nag-react sa paggaya sa kaniya ni Eumir Marcial na mag-crop top

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi naman ni Marjorie ang throwback photo nila ni Leon noong bata pa lamang ito.

"You and me always. The best son one could ever have! Happy Birthday, Leon! I’m so blessed to be your Mom❤️" caption ni Marjorie.

"LOVE U MOM" reply naman ni Leon.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati sa kaniyang Instagram post si Dennis.

"Dear Leon... Happy birthday anak!! Love you... Hope to see you soon," caption ni Dennis.

Sa kalakip na photo, makikita ang isa sa mga larawan ni Dennis na may hawak na papel, na bukod pang mensahe para sa anak.

"Thank you Papa 😊🙏🏼" tugon ni Leon.

Natuwa naman ang mga netizen sa comment section dahil sa wakas daw, hindi na inisnab ng isa sa mga anak ang kanilang tatay.

"THANKS God 😢😍🙏☝️"

"r u ok na po ba w/ ur dad?😍"

"@theleonbarretto wow bigla akong masaya"

"@theleonbarretto thanks God at ok na po kau sa papa nyo.. hopefully to see u reunite with ur papa together with ur sibs juju and clau😍😍"

"@theleonbarretto OMGGGGG! Bat ako yung super duper sayo😅 Tama yan biii god bless and Happy birthday♥️✨"

"Very good ka diyan, I like you na."

Matatandaang nagkaroon ng "sagutan" sa social media ang mag-ama dahil sa pagpo-post ni Dennis na sana raw ay mapansin na siya ng mga anak.

Tila pumalag naman dito si Leon ngunit giit naman ni Dennis, namimiss lang daw niya ang mga anak.