Dumaragsa na ang tulong sa lalaking kumasa sa April Fools’ post ng isang takoyaki store kabilang na rito ang social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan.
Sa TikTok post ni Rosmar nitong Abril 2, sinabi niyang sagot na niya ang P10,000 ng lalaking may pangalang Ramil Albano.
Matatandaang usap-usapan ngayon sa social media ang nasabing post ng Takoyaki store na “Taragis” matapos itong sundin ni Albano at ipina-tattoo ang logo sa noo nito para sa premyong ₱100,000.
Maki-Balita: Para sa ₱100K: April Fools’ post ng takoyaki store, tinotoo ng isang lalaki
"Para sa ng prank sayo kuya si Lord na bahala sa kanila pero para sayo si Rosmar na ang bahala sa 10kyaw mo,” saad ng social media personality sa TikTok account niya.
Tinanong din niya sa publiko kung paano niya maco-contact ang lalaki.
Bukod kay Rosmar, marami na rin ang patuloy na tumutulong kay Albano.