“April Fools’ gone wrong?”

Usap-usapan ngayon sa social media ang “April Fools’ Day post” ng Takoyaki store na “Taragis” matapos itong sundin ng isang lalaki at ipina-tattoo ang logo sa noo nito para sa premyong ₱100,000.

Sa isang burado nang Facebook post nitong Lunes, Abril 1, nagbigay ang Taragis ng “mechanics” ng animo’y challenge.

Nakalagay sa post na kung sino ang unang makapagpa-tattoo ng kanilang logo sa noo, mabibigyan ng premyong ₱100,000.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

“Gusto mo ba ng 100K?

1. Kunin mo ang logo ng Taragis.

2. Ipa-tattoo sa noo.

3. Kung sino ang unang makapag-send sa amin, siya ang mananalo ng ₱100,000.

Click the photo for official rules.

April Fools’ Day!” nakalagay sa placard ng post ng Taragis.

Taragis/FB

Isang netizen naman ang nagkomento sa post ng naturang Takoyaki store at sinabing: “Sir nag-pm po ako sa inyo ginagawa na po wait po ako ng chat ninyo.”

Samantala, pagkatapos ng naturang komento kalakip ang larawan ng netizen na “nagpa-tattoo” ng logo ng Taragis sa noo, muling nag-post ang store at sinabing hindi sila accountable sa nangyari at huwag daw dapat magpaniwala sa post tuwing April Fools’ Day.

“Let this serve as a reminder to us all how important reading comprehension is. It’s April Fools’ Day. Never trust anything or anyone. The same as any other day,” pahayag ng Taragis sa isang hiwalay at burado na ring post.

“Once more, Taragis Takoyaki is not accountable for the events that occurred,” saad pa nito.

Kumalap naman ng sari-saring reaksyon ang pangyayari, kung saan habang sinusulat ito’y trending pa rin ang Taragis sa X at mayroong mahigit 6,600 posts kaugnay nito.

Narito ang ilang mga komento ng netizens:

“Let’s call a spade a spade and call out Taragis Ta-Q-Yaki for what they truly are: KUPAL. That April Fool’s prank was irresponsible and literally unprofessional and unethical. They should either shut down or be dealt with to the fullest extent of the law.”

“A reminder not to pull pranks on the working class. Hindi lahat makakakuha ng ‘jokes’ nyo na yan. The least Taragis should do is shoulder the laser removal of that ugly ass logo and give him his 100k.”

“Legally, Taragis isn't accountable for any damages since the caption clearly instructed users to click the photo for the mechanics, revealing the April Fool's context. But sabi pa nga, not everything legal is necessarily moral. If I were them, give ko na yang 100k kay kuya.”

“I'll be completely honest. I didn't like how they painted him as dumb for falling for an April fools’ prank. Like everyone else in this world, he's just trying his best, and probably saw this as a big opportunity. Call me a party pooper, but it's so irresponsible of Taragis.”

“Iritang irita talaga ako sa mga nagsasabing mali din talaga ni tatay na nagpauto siya sa Taragis prank. Okay lang ba kayo? Mag-assess nga kayo ng sarili ninyo. Lol.”