Tila nagustuhan din ng mga netizen ang ginawa ng isang magulang, na siya mismo ang nagkusang suspendihin ang kaniyang anak dahil sa reklamo ng guro dito, ayon sa itinampok ng gurong si Richard Mejia.

Viral kasi ang Facebook post ng isang guro matapos niyang purihin at saluduhan ang isang di-kilalang magulang na nagsabing siya mismo ang nagpasuspinde sa anak dahil sa misbehavior nito.

Sa post ng gurong si Richard Mejia, ibinahagi niya ang screenshot ng komento ng isang magulang sa isang post, na nilagyan niya ng caption na "Napakagandang mindset. Salute to this kind of parent."

Mababasa rito, siya raw mismo ang nagsabi sa guro na siya na mismo ang magsususpinde sa sariling anak niya na inireklamo ng guro. Tatlong araw daw na pinaglinis niya ng bahay ang anak para makapagnilay-nilay, at simula raw noon ay wala na siyang narinig na reklamo mula sa guro.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

"Kasi 'yong disiplina hindi dapat sa teacher manggagaling kung hindi sa bahay talaga, lalo na puro lalaki ang anak ko," saad pa ng magulang.

"Mahirap na ang trabaho ng mga teacher, tulungan natin sila wag ng mas pahirapan pa... ang mag-benefit din naman ang mga anak natin..."

Sa ulat ng Balita tungkol dito, pinusuan ito ng mga netizen at sang-ayon daw sila sa ginawa ng nabanggit na magulang. Anila, tama naman daw na ang disiplina ng isang bata ay dapat nagsisimula sa bahay; ibig sabihin, responsibilidad ng mga magulang, kapatid, o guardian kung anuman ang asal na ipakikita nito kapag nasa paaralan na.

Ang gagawin na lamang ng mga guro, bukod sa magturo ng kanilang subject matter, ay hubugin ang magagandang asal at disiplinang ito.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa ulat ng Balita:

"Discipline should always start at home. Start them young. Ilang oras lang ang mga bata sa school, wag nating asahang matututo ang mga bata ng disiplina sa loob lang ng ilang oras."

"That's how it should be. Parents should teach their kids how to behave and be a better citizen, kesa naman one day kulungan ang bagsak nila at maging problem pa sila ng bansa. Salute to the parent who did this. God bless."

"Mga anak ko sinasabihan ko talaga na bibigyan ko ng stick si teacher para pamalo sa inyo kapag nagpasaway kayo at hindi kayo nakikinig,nasa school kayo para mag.aral hindi para magpasaway. sinabihan ko din sila kapag nagpasaway sila sa schl.paakyatin ko na sila sa bundok para magtanim ng kamote at ng may makakain sila pagdating ng panahon, ayun, pareho sila honor students..

"True naman. Lalo pa ngayon na konting kibot, naaakusahan na ng child abuse ang teachers. So dapat mga magulang at sa bahay sila madisiplina."

"Sana may mga magulang na ganito na mindset ang pagdisiplina sa mga anak nila kasi totoo naman sa bahay nanggagaling ang unang kaalaman at disiplina lalo na ang magulang ay hindi kunsintidor."

"Ganito rin ginawa ng parent ng student kong nahuling nag-vape sa school. Hinihintay kong pumunta sa school ang parent, after three days saka nagpakita. Sinabi sa akin na pinarusahan niya sa bahay ang bata dahil nagpasaway sa paaralan. Ipapa-Guidance ko pa sana at ipapa-suspend hindi ko na ginawa. Nauna na ang nanay eh."

"Yung ibang magulang kasi pinapaubaya ang pagdidisiplina sa mga anak sa teacher, naging magulang pa eh di naman kayang magdisiplina. Kung hindi kaya huwag na maging magulang, huwag na magkaanak para walang intindihin..Kahambugan yung sasabihin ng magulang ang school ang may responsibilidad sa pag-build up ng magandang asal ng bata, na dapat magulang ang unang gumagawa..Tamaan na mga hambog na magulang jan, palag dito sa comment ko sasabunin ko naman ng matindi ih.."

Ikaw, anong pananaw mo rito, Ka-Balita?

MAKI-BALITA: ‘Napakagandang mindset!’ Guro, saludo sa magulang na pinasuspinde mismo ang anak