Nagpaabot ng tulong ang iba’t ibang local brands sa isang lalaking sumunod sa “April Fools’ Day post” ng takoyaki store na “Taragis” at ipina-tattoo ang logo nito sa kaniyang noo para sa premyong ₱100,000.

Nitong “April Fools’ Day,” Abril 1, nag-post ang Taragis ng isang “prank” kung saan nakalagay rito na tatanggap ng ₱100,000 ang unang makapagpa-tattoo ng kanilang logo sa noo.

Nagkomento naman ang netizen na si “Ramil Albano” at ipinakita ang larawan ng pagpapa-tattoo niya ng logo ng Taragis sa kaniyang noo.

Trending

Para sa ₱100K: April Fools’ post ng takoyaki store, tinotoo ng isang lalaki

Pagkatapos nito ay muli namang naglabas ng pahayag ang takoyaki store at sinabing hindi sila accountable sa nangyari at huwag daw dapat magpaniwala sa post tuwing April Fools’ Day.

Dahil sa naturang pangyayari, marami ang nakisimpatya kay Albano at nagpaabot ng tulong.

Ilan sa mga ito ay ang Facebook page na “Project Glow Up,” na magpapaabot sila ng ₱100,000 kay Albano.

Isang iphone naman ang ibibigay ng GppPower GadgetShop, habang iPad Air 2 ang ipagkakaloob ng Gadget Frenzy PH.

Samantala, mamimigay naman daw ng tig-₱10,000 naman daw ang ibibigay ng ChizMozza, Cafe Galilea, KasKasan Buddies, Pausok Atbp., at DALYA SKIN.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay nagdadagsaan pa ang tulong mula sa iba pang negosyo, indibidwal, celebrity, influencer, at maging politiko.