Hinangaan at pinusuan ng mga netizen ang isang batang babae mula sa Davao Oriental matapos niyang bilhan ng meryenda ang isang lolong nakatambay sa labas ng isang convenience store, at ang ipinambili niya ay mula sa kaniyang allowance para sa paaralan.

Kuwento ng nag-video at uploader na si Apollo Belvedere, tatay ng batang si "Yannah" na anim na taong gulang, nagkusa raw ang anak na kaltasan ang kaniyang baon para maabutan ng pagkain ang estrangherong lolong nakita niyang nakaupo sa labas ng convenience store.

Ito raw ay "act of kindness" ng kanilang anak na labis nilang ipinagmamalaki.

"Every day 100php jd nakalaan sa baon ni banana. Before nako siya ihatud sa school, muhapit sa jd mig 7/11 rotonda kai mapulit siya ug snack. Nalipay ko sa akong nakita kai ang iyahang baon gihatag niya kang tatay kai louy daw. Hehe," mababasa sa caption ng video.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Salin sa Filipino, "Araw-araw, mayroong 100 pesos na nakalaan sa baon ni Banana. Bago ko siya ihatid sa paaralan, bumibisita kami sa 7/11 sa rotonda dahil gusto niyang bumili ng meryenda. Natutuwa ako sa nakikita ko dahil ang baon niya ay ibinigay niya sa tatay dahil sa awa. Hehe."

Bukod sa bata, pinuri din ng mga netizen ang mga magulang ni Yannah, dahil malamang daw, kung anuman ang ginagawa nito ay nakikita niya sa mga magulang o sa kanilang tahanan.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!