Asahang mas tataas pa ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 dahil walang nanalo sa huling bola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Abril 1.

Walang nakahula sa winning combination na 17-52-37-43-38-11 na may kaakibat na ₱181,072,686.40 na premyo.

National

Bagyong Carina, idineklara nang super typhoon

Wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45 na may winning numbers na 31-14-17-13-05-09 at jackpot prize na ₱8,910,000.

Kaya’t asahan na mas tataas pa ang jackpot prizes na dalawang lotto games sa susunod nitong bola.

Binobola ang 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes naman ang 6/45.