Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Tarlac nitong Lunes ng tanghali, Abril 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:44 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 12 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Mayantoc, Tarlac, na may lalim na 128 kilometro.

Naitala Instrumental Intensity I sa Cabangan, Zambales; City of Dagupan, Pangasinan.

National

Rep. Wilbert Lee, nakatanggap ng ethics complaint dahil sa ‘improper conduct’

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.