Pumalo sa 45°C ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan nitong Lunes, Abril 1, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA, nasa “danger” level ang heat index sa Dagupan City, kung saan posible umano rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion”.
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.
Maaari raw malagay sa “danger” level ang mga heat index na mula 42°C hanggang 51°C.
Kaugnay nito, naitala rin ang dangerous heat index sa mga sumusunod na lugar nitong Lunes:
- Baler, Aurora - 42°C
- Aborlan, Palawan- 43°C
- Central Bicol State University of Agriculture sa Pili, Camarines Sur- 44°C
- Roxas City, Capiz- 44°C
- Iloilo City, Iloilo- 42°C
- Dumangas, Iloilo - 43°C
- Catarman, Northern Samar - 43°C
- Cotabato City, Maguindanao - 42°C