Nagdeklara na ng suspensiyon ng face-to-face classes ang ilang mga lugar sa bansa sa Martes, Abril 2, 2024, dahil sa init ng panahon o mataas na heat index.

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Narito ang mga lokal na pamahalaang nagkansela ng face-to-face classes dahil sa inaasahang mataas na heat index sa kanilang lugar:

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

All Levels

  • Caloocan City (Tanghali lamang; Maliban sa Grade 6 students na kumukuha ng National Achievement Test; Pinauubaya sa private schools kung magkakansela rin sila ng in-person classes)
  • Libon, Albay
  • Silay City, Negros Occidental 
  • EB Magalona, Negros Occidental 
  • Hinoba-an, Negros Occidental
  • Bago City, Negros Occidental
  • Isabela, Negros Occidental
  • Tantangan, South Cotabato (Tanghali lamang)
  • General Santos City
  • Sultan Kudarat

Pre-School to Senior High School

  • Quezon City (Pinauubaya sa private schools kung magkakansela rin sila ng in-person classes)
  • Muntinlupa City (Pinauubaya sa private schools kung magkakansela rin sila ng in-person classes)
  • Malolos, Bulacan (Pinauubaya sa private schools kung magkakansela rin sila ng in-person classes)
  • Calumpit, Bulacan (Pinauubaya sa private schools kung magkakansela rin sila ng in-person classes)
  • Calasiao, Pangasinan
  • Mangaldan, Pangasinan
  • Bacolod City (Pinauubaya sa private schools na may airconditioned classrooms kung magkakansela rin sila ng in-person classes)
  • Iloilo City
  • Dumangas, Iloilo
  • Talisay City, Negros Occidental (Pinauubaya sa private schools na may airconditioned classrooms kung magkakansela rin sila ng in-person classes)

[I-refresh lamang ang page na ito para sa #WalangPasok updates]