Napukaw ang atensyon ng mga netizen dahil sa video clip na ibinahagi ng Facebook page na may pangalang “Mellifluous” dahil sa kakatwang ginawa ng isang babae.

Sa naturang video clip kasi, mapapanood na ipinaparada ng mga tao ang isang babae habang sakay sa karo. Tila nagbi-video at nagpi-picture pa ito para kunan ang sarili.

Bagama’t walang detalyeng nabanggit ang uploader kung kailan isinagawa ang naturang pagparada, maraming netizen ang nag-assume na nangyari ito sa panahon ng Kuwaresma.

Kaya naman, hindi nagustuhan ng mga netizen ang kanilang natunghayan. Umani tuloy ng mga negatibong reaksiyon ang naturang video.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Para sa kanila, hindi raw nakakatuwa ang ginawa ng babae at ng mga kasamahan nito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hindi na yan tama,dapat ginagalang ang mahal na araw,kahit di ako catholic ginagalang namin at nirerespeto namin ang catholic coz were all christians.Hindi na yan gawain ng maayos ang pagiisip.Have faith at ipagdasal nalang natin silang makakasalanan 🫰🏻🙏🏼"

“Di nakakatuwa…”

“😢 Hnd naman masama mag content pero sna po respeto sa mahal na araw.nawawala na diwa ng sakripisyo ng panginoon.nakakalungkot po,😢”

“God is always watching from Heaven,,, and you'll receive what you've done ✅💯%”

“Nawawala n tlga respito ng tao dahil sa reels iniisip dumami ang viewers pati panginoon binbatos na!!!!Dapat kinkasohan yung myari ng simbahan n yan bakit pinayagan nila gamitin sa ktangahan”

“Sana bukas tuluyan ka na nakahiga dyan”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, kumalap na ng 16k reactions at 395k views ang naturang video.

Samantala, nakipag-ugnayan ang Balita sa uploader ng video pero wala pa itong inilalabas na pahayag o tugon kaugnay sa nangyari.