Pumalo na sa lima ang naiulat na nasawi dahil sa pertussis outbreak sa Quezon City.

Ipinaliwanag ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (CESU), kabilang ang mga nasawi sa 28 kaso ng sakit na naitala mula Enero 1 hanggang Marso 23.

Sa limang binawian ng buhay, dalawa ang naitala sa District 1, tig-isa naman sa District 2, 4 at 5.

Pinayuhan ng CESU ang publiko na agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kung may maramdamang sintomas ng pertussis.

Matatandaang idineklara ng Quezon City government ang pertussis outbreak noong Marso 21 matapos maitala ang 23 kaso ng sakit ngayong taon.