Hindi raw pabor si Mary Anne Ranollo sa pakikipagbalikan ng anak nitong si Bea Alonzo sa aktor na si Dominic Roque ayon sa mga nasasagap na kuwento ni showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” noong Biyernes, Marso 29, sinabi ni Cristy na malabo raw na matuloy pa ang balikan ng dalawang ex-celebrity couple.

“Gustuhin man ni Bea na magkabalikan sila [Dominic], napakalaki no’ng porsiyento na maaaring talagang hindi na matuloy pa ang kanilang balikan at kasalan dahil kumokontra nga si Mommy Mary Anne.

“‘Di ba dati sabi niya [Mary Anne] sa atin, hindi naman ako nanghihimasok sa buhay pag-ibig ng mga anak ko. Kung saan sila masaya, doon ako,” aniya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Pero ayon sa co-host niyang si Wendell Alvarez, binibigyan lang daw ni Mary Anne ng mga payo ang kaniyang anak pagdating sa usaping pag-ibig.

Gayunpaman, iginiit pa rin ni Cristy na talagang kontra daw si Mary Anne kay Dominic pagkatapos ng marami raw nitong nabalitaan sa aktor.

“Na-persuade na rin siya. Naniwala na rin siya doon sa mga nakararating na kuwento sa kaniya. Iba kasi ang damdamin ng ina sa kaniyang anak,” saad ng showbiz columnist.

Matatandaang naiulat din sa “Cristy Ferminute” kamakailan na pinagalitan umano si Bea ng kaniyang ina matapos nitong malaman ang pagpapatulog kay Dominic sa bahay nito.

MAKI-BALITA: Bea, pinagalitan daw ng ina matapos patulugin si Dominic sa bahay niya

Lalo tuloy lumakas ang alingasngas na nagkabalikan na ang dalawa nang itsika ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa pagtulog umano ni Dominic sa bahay ni Bea.

MAKI-BALITA: Kahit hiwalay na: Dominic, nakitulog pa rin daw sa bahay ni Bea?

Pero bukod pa rito, nauna nang naiulat ng isa ring showbiz insider na si Jobert Sucaldito ang tungkol sa umano’y boses ni Bea na narinig habang nasa Zoom meeting si Dominic.

MAKI-BALITA: ‘Nahuli sa Zoom!’ Dominic, Bea nagkabalikan daw?

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag ang magkabilang panig para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang balita.