Viral ang Facebook post ng isang tatay matapos niyang ibahagi ang tanong sa kaniya ng anak, patungkol sa naobserbahan nito sa naganap na "Alay-Lakad" ng ilang mananampalataya sa nagdaang Holy Week.

Ang "Alay-Lakad" ay isang uri ng akto ng debosyon na kung saan ang mga deboto ay naglalakad ng malalayong distansya, kadalasang patungo sa mga simbahan o mga lugar ng debosyon o pilgrimage sites, bilang pagsasakripisyo o pasasalamat sa Diyos para sa mga biyayang kanilang tinatanggap o bilang pagtubos sa kanilang mga kasalanan.

Sa karamihan ng mga Alay-Lakad, ang mga deboto ay naglalakad nang nakapaa, nagdurusa, o nagdadala ng mga krus o mga haligi bilang simbolo ng kanilang debosyon at pagsisisi. Karaniwang nagaganap ang mga Alay-Lakad tuwing Huwebes Santo ng gabi hanggang Biyernes Santo, na nagpapahayag ng pakikiramay sa pagpapakasakit at kamatayan ni Hesukristo. Sa ilang lugar, ang mga Alay-Lakad ay nangyayari rin sa iba pang mga araw ng Semana Santa.

Mababasa Facebook post ni Roland Cerera, "My daughter asked: "why is it called alay lakad?"

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, maraming naka-relate

"I told her that literally, it means sacrifice by walking. We both agreed that if someone is to join the alay lakad, then their intention must be geared towards holiness, thus the sacrifice. And the original goal of this annual event is to reach the church of The Lady of Antipolo."

Hindi raw inasahan ng tatay ang susunod na tanong ng kaniyang anak. Aniya, napansin daw ng kaniyang anak ang mga kalat sa daan.

"Her next question had me grasping for words. 'Then why are all these people littering as they go about their sacrifice?'"

Kaya nasabi na lamang ni Roland, "The world doesn't make sense. Most people are selfish [hypocrites]."

"They hope and pray of reaching heaven yet are blind to their faults."

"It's really sad how they cannot seem to connect discipline with reverence."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"And the funny thing is, humans have the highest intelligence among the animals and yet, can't pick-up certain and simplest rules."

"Alay lakad natin dati puro away at daming bad people..yuck.."

"Iyan ang problema sa Pinas. Simpleng kalat hindi maitapon sa basura. Simpleng decency hindi maipakita."

"Cleanliness is next to Godliness 'di ba? Bakit ganito ang karamihan sa mga Pinoy?"

"Yan ang kulang sa Pilipinas. Disiplina."

Samantala, dinepensahan naman ni Roland ang kaniyang anak laban sa bashers.

"My daughter is 11 y/o. Leave her out of your mindless criticisms. Meron nagshe-share tapos inaatake anak ko. Please. She is an innocent soul. It's not her fault humanity is twisted that piqued her curiosity."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 14k reactions, 11k shares, at 16 comments ang nabanggit na viral Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!