Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa isang viral Facebook post tampok ang isang board taker ng "Medical Technologist Licensure Examination (MLE)" na nasunugan ng bahay habang kumukuha ng aktuwal na pagsusulit noong Marso 21, subalit saka lamang ito ipinaalam sa kaniya matapos ang petsa ng board exam.
Sa Facebook post ng kaniyang kaanak na si Maria Charmaine Lopez mula sa Barangay Bual, Tulunan, North Cotabato, saka lang daw nalaman ng pinsan ng kaniyang mister na si Christle Anne Maravilla ang kalunos-lunos na nangyari sa kanilang bahay nang matapos na nito ang exam.
Nakiusap daw ang mga magulang ni Christle na huwag ipaalam sa kaniya ang nangyari, at huwag mag-upload sa social media, upang makapagpokus sa kaniyang board exam si Christle.
Saka lang ipinaalam kay Christle ang nangyari, na noong una, hindi pa raw nag-sink in sa kaniya at hindi niya akalaing abo na niyang daratnan ang kanilang tahanan.
Wala raw naisalbang kahit ano maliban sa mahahalagang dokumento ng pamilya. Natupok na rin ng apoy ang mga sertipiko at medalya ni Maravilla sa kaniyang pag-aaral.
"Nasunog ilahang balay the day jud sa board exam.. wala may nasave kahit isa na gamit. Unaware sya. After board exam na namo sya giinform.. pero after 4 days eto pala kapalit. Magiging RMT ka Christle Anne Maravilla🥹🥹🥹 God is good. Mabalik lang ang mga nawala in God’s time. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻," mababasa sa FB post ni Lopez.
"Kadlawan ta lang gid ni mag abot ang adlaw hambal mo. Oo kadlaw lang gid ta pati karon kadlawan ta lang na tanan☺️
"Edit: Ang pinaka kayamanan na hindi na mabalik ang mga medals and certificates nya since kinder to college na nasali sa sunog😭 pati yearbook nya during high school🥺🥺"
Makalipas ang apat na araw, lumabas na ang resulta ng exam at nakapasa naman si Maravilla.
Nanawagan naman ng tulong si Lopez para sa pamilya ni Maravilla.
"Sa mga gustong mag extend ng help eto po GCASH # ni Christle Anne Maravilla 09512525076 thank you po ☺️☺️," aniya.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Maravilla, sinabi niyang nasa maayos na kalagayan na sila at nakikitira sa kaniyang tita. Isinalaysay ni Maravilla ang mga nangyari nang araw na natutupok na pala ang kanilang bahay subalit wala siyang kaalam-alam dahil ang buong pokus niya ay nasa board exam at maipasa ito.
Sa ngayon ay kumakatok ng tulong si Maravilla sa publiko para makatulong na makabangon silang muli mula sa trahedya. Balak daw niyang makapag-aplay na kaagad ng trabaho upang maging paspasan na ang pagpapagawa ulit ng kanilang bahay at pagpundar ng mga gamit.
"We need all the prayers we can get and any cash or form of assistance is well appreciated po. Also, in critical situations like this, if we know we can't contain the fire anymore then it's better to run to safety and just call for help asap."
"My next plan po is to prepare my resume while waiting for our oath-taking so I could apply to hospitals and laboratories right after," aniya.
Samantala, narito naman ang mga detalye ni Maravilla sa mga nais na magpaabot ng tulong:
Contact number/GCash number: 0951-252-5076
BDO bank account number: 0033-2038-9631
E-mail: [email protected]