Nagsalita na ang basketbolistang si Marc Pingris hinggil sa kumakalat na “cheating issue” na kinasasangkutan niya at ng aktres na si Kim Rodriguez.
"Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez,” pabibigay-diin ni Pingris sa isang Instagram post nitong Huwebes, Marso 28.
“Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao.”
Ayon kay Pingris, nagkasama lamang sila ni Kim sa isang basketball event at sa isa pang event nang maging muse ito ng kanilang team.
Iginiit din ni Pingris na maayos sila ng kaniyang pamilya, kaya’t humihingi siya ngayon ng respeto upang hindi na raw madamay ang kanilang mga anak ng asawang si Danica Sotto.
"Ok kami ng pamilya ko. Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo. Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po," saad ni Pingris.
Matatandaang naging usap-usapan ng mga netizen sa X sina Kim at Pingris dahil daw sa isang blind item na mababasa sa “Reddit.”