“Ang ganda ng nilikha mo, Lord! ♥️

Napitikan ng netizen na si Lemuel Salibio, 33, mula sa Silang, Cavite, ang “mala-paraisong” imahen ng mga ulap sa kalangitan nitong Miyerkules Santo, Marso 27.

“Iridescent Clouds in Silang ,” ani Salibio sa kaniyang Facebook post na umabot na sa 593 shares.

“Ang ganda ng nilikha ng Diyos ♥️,” komento ng isang netizen sa naturang post.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

“Paradise 💜,” saad din ng isa pang netizen sa comment section.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Salibio na isa siyang public school teacher at mahilig kumuha ng mga larawan.

Napitikan daw niya ang nakamamanghang imahen ng langit nitong Miyerkules Santo, dakong 5:50 ng hapon, gamit ang kaniyang cellphone.

“That time, nasa labas po ako ng bahay at hinihintay ko po ‘yung order ko, then pagtingala ko po, nakita ko po ‘yung kalangitan na kulay rainbow ang mga ulap. Di po ako prepared that time kasi wala ako dala dslr or bridge camera ko (na usually gamit ko in taking photos of sun or moon) ang meron lang ay cellphone,” kuwento niya sa Balita.

“Nakakamangha siyang pagmasdan kaya po nag-take po ako ng marami. Napaka-rare po ng ganitong event kaya nag-take opportunity na po ako na makuhanan,” dagdag niya.

Ani Salibio, naramdaman niyang senyales ang naturang formation ng mga ulap para magnilay ang bawat isa sa kanilang mga nagagawa sa buhay at sa kanilang kapwa.

“Ipagpatuloy po natin ang pagiging mabuti at palaging mag-pray sa Panginoon,” saad ni Salibio.