Inanunsyo ng bassist ng Lola Amour na si Raymond King na aalis na siya sa banda pagkatapos ng walong taong pagiging bahagi nito.

“There’s no easy way to say this, so here goes. I’ve made the decision to leave Lola Amour,” ani Raymond sa isang Instagram post ng page ng Lola Amour.

Kuwento ni Raymond, isang hobby lamang daw ang kanilang pagbabanda nang simulan nila ito.

"We've always had other long-term plans for ourselves. And while I'm proud of everything we've achieved, my plans stayed the same. Sadly, the band isn't part of it," ani Raymond.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

"After eight years of giving everything I could, I've realized that success, fulfillment, and happiness are different things. Now, I choose to be happy.”

Sa kabila naman daw ng kaniyang desisyon, very grateful pa rin siya sa kaniyang naging experience kasama ang kaniyang mga kabanda.

"We've reached more than I could have ever dreamed of and I couldn't think of anyone else I would have done it with," aniya.

Gaganapin daw ang last gig ni Raymond sa Lola Amour sa Abril 13 para sa kanilang Album Concert sa Circuit Makati Concert Grounds.

Pagkatapos nito, papalatin siya ni Manu Dumayas bilang bagong bassist ng banda.

"Thanks for listening for the last eight years," saad ni Raymond.

Sa naturang post ay nagpasalamat naman ang Lola Amour team kay Raymond at sinabing mahirap man ang pamamaalam, palagi silang nakasuporta sa kaniya.

"Thank you for the last eight years, buddy! You are a huge reason why we are here where we are today. You know we're not a cheesy bunch, but saying that 'we'll miss you' is an understatement. Alam mo na 'yan," saad ng Lola Amour.

Kilala ang banda sa kanilang mga awitin tulad ng "Raining in Manila," "Fallen," at "Pwede Ba.”