Umabot sa “danger” level ang heat index sa 18 lugar sa bansa nitong Huwebes Santo, Marso 28, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

Kaugnay nito, naitala ang dangerous heat index sa mga sumusunod na lugar nitong Huwebes, dakong 5:00 ng hapon:

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

  • NAIA, Pasay City - 43°C
  • Dagupan City, Pangasinan - 43°C
  • Tayabas City, Quezon - 43°C
  • Sangley Point, Cavite - 44°C
  • Tanauan, Batangas - 44°C
  • Alabat, Quezon - 42°C
  • Calapan, Oriental Mindoro - 42°C
  • San Jose, Occidental Mindoro - 43°C
  • Puerto Princesa City, Palawan - 43°C
  • Aborlan, Palawan - 42°C
  • Daet, Camarines Norte - 44°C
  • Masbate City - 44°C
  • Pili, Camarines Sur - 42°C
  • Roxas City, Capiz - 44°C
  • Iloilo City - 44°C
  • Dumangas, Iloilo - 43°C
  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur - 42°C
  • Cotabato City, Maguindanao - 42°C