Namangha ang mga netizen sa isang 11-anyos na batang lalaki matapos nitong gumawa ng sariling sulat-kamay na "device usage contract" para sa kaniyang sariling kapakanan.

Sa viral Facebook post ng kaniyang amang si "Ted Ayeng," isang journalist, hindi raw siya makapaniwalang magagawa ng kaniyang anak na si "Luke" ang nabanggit na dokumento.

Noong una raw, inakala nila ng misis na gumagawa lamang ito ng assignment. Subalit nang titigan na nila ito, isa pala itong "kontrata."

Ginawa raw ito ng Luke matapos kunin ng kaniyang ina ang gadgets nito para makapagpokus siya sa pag-aaral at pagre-review para sa exam week.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

"Earlier, this week, gi-embargo sa mother ang tanang gadgets kay exam week lagi. Nintendo, laptop ug cellphone. Ingon siya: "Way gadgets. Bantay og mousos imong grado ha. Way gadgets! (Earlier this week, the mother embargoed all gadgets because it's exam week again. Nintendo, laptop, and cellphone. She said: 'No gadgets. Make sure to watch over your grades. No gadgets!')," ani Ted.

"What shocked and amazed me is that he was making that contract all alone without no one or nothing to copy or refer to considering nga gi-embargo ang tanang possible reference niya!" dagdag pa ni Ted. (What shocked and amazed me is that he was making that contract all alone without anyone or anything to copy or refer to, considering that all possible references were embargoed!)

Kaya na-realize ng ama, "We should not underestimate our children now. They know more about their rights and make use of legal means if they think they need to!"

Hindi nakapagtatakang matalino talaga si Luke dahil honor student din siya sa kanilang paaralan, bukod pa sa nais daw nitong maging abogado sa hinaharap.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 16k reactions, 13k shares, at 778 comments ang nabanggit na viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!