Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa India matapos itong pumayag na mag-supply ng bigas sa Pilipinas.

Sa social media post ng Presidential Communications Office (PCO), binanggit na nais din ng Pangulo na palakasin pa ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa usapin sa agrikultura, imprastraktura at depensa.

Nasa 295,000 metriko toneladang non-basmati white rice ang nakatakdang i-suplay ng India sa Pilipinas.

“I’d like to thank you and please extend my gratitude to your Prime Minister (Narendra Modi) for the timely provision of imported rice that we bought from India. The very critical… a very crucial time since we are in the right now suffering the effects [of] drought,” pagbibigay-diin ni Marcos nang mag-courtesy call sa Malacañang si Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishankar ng India.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang inaprubahan ng India noong Oktubre 2023 ang pagsu-supply ng 295,000 metriko toneladang non-basmati white rice sa Pilipinas, ang pinakamataas na alokasyon sa dayuhang bansa matapos bawiin ang paghihigpit sa ilang bansa.

Noong Hulyo ng nakaraang taon, ipinagbawal ng India ang pagsu-supply ng bigas sa pagnanais na mapababa ang presyo nito sa kanilang merkado.