Hiniling ng isang kongresista na ibalik na ang No Contact Apprehension Policy (NACP)  dahil isa umano ito sa solusyon upang maiwasan ang aksidente sa lansangan.

Ikinatwiran ni House Committee on Metro-Manila Development chairman, Rep. Rolando Valeriano, mas mabuting ibalik ang NCAP at ipaubaya na lamang sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon nito dahil trabaho naman nilang ayusin ang daloy ng trapiko.

Aniya, dapat hindi pribadong kumpanya ang mamahala sa NCAP upang hindi ito maging negosyo.

Matatandaang sinuspindi muna ang implementasyon ng NCAP kasunod na rin ng inilabas na temporary restraining order ng Korte Suprema noong 2022.
Metro

Tinatayang 14,000 kapulisan, nakahanda na para sa Traslacion 2025