Hinangaan ng mga netizen ang singer-actor na si JK Labajo matapos nitong magpaabot ng concern sa isang two-month old baby na namataan niyang kasa-kasama ng mga magulang nito, na manonood ng kaniyang performance sa isang auditorium sa Paniqui, Tarlac, para sa kanilang kapistahan.

Sa video, bago magsimula ang pagkanta ay inusisa muna ni JK ang mga magulang ng sanggol. Gulat na gulat si JK nang sabihin ng mga magulang na dalawang buwan pa lang ito at nakikinig na sa awitin niyang "Ere." Hirit pa ng mga magulang, mga kanta raw ni JK ang pampatulog nito.

"Two months? Bakit mo pinaparinig ng Ere 'yong bata? Two months pa lang, maaga pa," ani JK.

"Wala bang earmuffs si Baby? Pampatulog ako? Pacheck up mo si Baby ha?"

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nang mapansing umiiyak na ang sanggol ay nilapitan ito ni JK at kinarga. Makikitang tila masinsinan niyang kinausap ang mga magulang nito.

Matapos nito ay nagbigay naman ng paalala si JK sa mga magulang na magsasama ng mga anak nila sa panonood ng performance ni JK, o sa mga concert.

"So sa mga bata especially one year old and below, super sensitive pa 'yong mga tenga nila, so as much as possible kung dadalhin n'yo sila sa isang event, magdala kayo ng earmuff or something para hindi ma-damage 'yong tenga nila," ani JK.

Gayunman, nagpasalamat pa rin siya sa mga magulang ng bata na nagpakita ng suporta para sa kaniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens:

"this hits different when u know he used to get excited when maureen was having pregnancy scares"

"Jk is very kind person..totoo sensitive ang ears ng baby..concern is very genuine🫰"

"Ang lala ng parents, sanggol pa lang anak Ere na ipinaparinig?"

"you can really see how much he is so worried"

"He has a good heart!"