Mariing kinondena ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ang Davao police matapos sabihin ng mga ito na hindi nila alam ang kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church leader Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaang nitong Lunes, Marso 25, nang sabihin ni Police Major Catherine Dela Rey, spokesperson ng Police Regional Office-Davao, na wala silang impormasyon hinggil sa presensya ni Quiboloy sa Davao.

Sa isa namang pahayag nitong Martes, Marso 26, na inulat ng Manila Bulletin, kinuwestiyon ni Castro ang naturang pahayag ng pulisya dahil may access naman umano ang mga ito sa “significant intelligence and confidential funds.”

Binanggit din ng mambabatas na nagpapakita raw ng “double-standard” ang kinikilos ng pulisya kay Quiboloy kung ikukumpara sa arbitrary arrests ng mga aktibista, kabilang na raw ang mga kaso nina Eco Dangla at Axielle Tiong na umano’y dinukot sa Pangasinan noong Linggo, Marso 24.

Zubiri, nilagdaan na arrest order vs Quiboloy

Matatandaang naglabas kamakailan ang Senado at Kamara ng arrest order laban kay Quiboloy dahil sa patuloy niyang hindi pagdalo sa imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon ng pang-aabusong ibinabato laban sa kaniya.

Bago ito, pina-contempt kamakailan ng Kamara si dahil sa paulit-ulit umano nitong hindi pagdalo sa pagdinig kaugnay naman ng isyung kinahaharap ng Sonshine Media Network International (SMNI).

https://balita.net.ph/2024/03/12/house-committee-pina-contempt-na-si-quiboloy/