"Laban lang paps! Nakakadagdag ka ng lakas sa aming mga rider!"

Iyan ang mensahe ng mga kabaro sa kapwa rider na isang "person with disability" o PWD matapos siyang i-flex sa isang online community ng mga rider sa Facebook.

Makikitang kahit putol ang kanang binti ay nakangiti pa ring nagtatrabaho ang nabanggit na rider na hindi nabanggit ang pangalan sa post.

Pinusuan naman ito ng mga netizen dahil nakakahiya raw ang kasipagan at dedikasyon ng rider sa mga "palamunin" at "tambay" na walang hanapbuhay.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

"Nakakahiya sa mga palamunin kain tulog lang sa maghapun"

"Buti pa to si kuya kahit PWD lumalaban ng patas nakakahiya naman sa mga malalaki ang katawan tapos tamad"

"SALUTE, YAN ANG DAPAT TULARAN NG MGA NAG RALLY HINDI SYA UMAASA SA GOBYERNO.."

"Sarap sa feeling ung bnibigyan ng pagkakataon ung mga ganitong tao, kulang man sa katawan buo nman ung determinasyong mkapagtrabaho ng marangal"

"Wala akong masabi kundi SALUDO!"

"Nakakahiya sa mga batugan na mainit Ang ulo pag di masarap Ang ulam"

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 33k reactions, 631 shares, at 471 comments ang nabanggit na viral post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!